^

Metro

Ambulansiya bumaliktad: 3 patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sa kamatayan inihatid ng isang ambulansya ang tatlo sa kanyang pasahero makaraang sumalpok ito sa toll booth ng Skyway, kahapon ng umaga sa Taguig City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Rio Panganiban; Rosa­linda Soler, 53; at Felix Soler, 59, kapwa ng San Carlos, Rosario, Batangas City.

Isinugod naman sa Pa­rañaque Doctor’s Hospital ang mga sugatan pang biktima  na nakilalang sina Marlyn Bota, 35, teller ng Skyway Corporation; Mary Grace Soler, 22; at Mercado de Castro, driver ng Mitsubishi ambulance (RAZ-884).

Sa ulat ng Skyway Traffic Management, naganap ang trahedya dakong alas-7 ng umaga nang sumalpok ang ambulansya na minamaneho ni De Castro sa teller booth num­ber 6 na minamanduhan ni Bota sa may north-bound lane.

Nabatid na galing sa Lipa City, Batangas ang am­bulansya ng PKI Employee’s Welfare Union upang isugod sa pagamutan sa Maynila si Felix Soler. Masyado umanong mabilis ang dating ng ambulansya na dumiretsong sumalpok sa toll booth at nasagi pa ang isang Isuzu Crosswind (XXL-539) na minamaneho ni Roberto Galang.

Nagtamo ng matitinding pinsala sa ulo at katawan ang tatlong nasawing biktima na isinugod sa Parañaque Doctor’s Hospital at sa Makati Medical Center.

Ayon sa pulisya, maa­aring nawalan ng kontrol o sadyang nasiraan sa preno ang naturang ambulansya sanhi ng pagsalpok nito.  Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang in­sidente.

Nagdulot naman ng ma­tinding pagsisikip sa trapiko ang naturang insidente dahil sa napilitang isara ng Skyway Corporation ang northbound toll booth at nabuksan lamang nang mahila na ang nawasak na ambulansya.

BATANGAS CITY

DE CASTRO

FELIX SOLER

ISUZU CROSSWIND

LIPA CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MARLYN BOTA

MARY GRACE SOLER

RIO PANGANIBAN

SKYWAY CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with