^

Metro

Patrol police kritikal sa pamamaril

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kon­disyon ang isang baguhang pulis makaraang pag­babarilin ng isang hindi pa nakikilalang salarin sakay ng isang taxi, kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Inoobserbahan sa San Juan de Dios Hospital dahil sa tama ng mga bala sa katawan ang biktimang nakilalang si PO1 Cayetano Orquina, nakatalaga sa Police Com­munity Precinct 2 ng Parañaque police. Nakatakas naman ang nag-iisang salarin makaraan ang pamamaril nito.

Sa ulat ng Parañaque police, naganap ang insidente dakong alas-5 ng madaling-araw sa kanto ng MIA at Quirino Road sa Brgy. Tambo, ng natu­rang lungsod habang nagpa­patrulya si Orquina kasama ang dalawa pang pulis na sina PO3 Luis Gazzingan at PO2 Jose Argulles.

Isang taxi na nakapa­rada sa madilim na ba­hagi ng kalsada ang napansin ng mga pulis.  Dito pinasya ng mga pulis na inspeksyunin ito at na­utusan si Orquina na lapitan ang behikulo.

Isang lalaki naman ang bumaba sa taxi at nagtatakbo nang papalapit na ang pulis.  Isa pang lalaki na nasa loob ng sasakyan ang biglang nagpaputok sa pulis kung saan agad na nabistay ito ng bala.

Hindi na nagawa pang mahabol ng mga kasamahan ni Orquina ang nagtatakbong salarin na tumakas sa hindi mabatid na direksyon.   

CAYETANO ORQUINA

DIOS HOSPITAL

ISANG

JOSE ARGULLES

LUIS GAZZINGAN

ORQUINA

POLICE COM

QUIRINO ROAD

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with