^

Metro

5 sugatan sa barilan ng pulis at sibilyan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Umaabot sa lima katao ang nasugatan sa naganap na barilan sa pagitan ng isang sibilyan at dalawang pulis nang tangkaing arestuhin ng huli ang nagpasimuno ng pamamaril sa grupo na nag-iinuman sa pagdiriwang ng Pasko, kamakalawa ng gabi, sa Tondo, Maynila.

Kabilang sa nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bo­nifacio Hospital ang bik­timang si Neile Chester Ga­nantial, 27,  ng no. 424 Navarro st., Tondo at ang sinasabing namaril at kaa­litan umano ni Ganantial na si Edwin Galang, 38, ng no, 2680 J. Luna st. Tondo.

Ginagamot din ang mga natamaan ng ligaw na bala na kinilalang sina  Jheszon Peralus, 3, at Maita Duag, 25,  kapwa ng Dagat-dagatan, Navotas City; at Aldrin Manlapaz, 22 ng Capulong St., Tondo, Manila.

Pinipigil naman sa Manila Police District-General Assignment Section ang mga nasangkot sa barilan na sina PO1 Ariel Aguilar, 33, nakatalaga sa Malolos PNP at residente ng no, 388 Navarro St., Tondo at SPO2  Benjamin Lumbad, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD).

Base sa ulat ni PO3 Rowel Candelario ng MPD-Station 1 (Tondo) dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Na­varro St., Tondo kung saan nagkakasiyahan ang grupo nina Ganantial nang biglang lumutang ang suspect na si Galang at pinutukan umano si Ganantial gamit ang kalibre .45 baril.

Dahil sa kaguluhan, agad namang humingi ng saklolo ang isang Jona­than Del Rosario, 32, residente sa lugar at saksi sa insidente, kay SPO2 Lumbad upang rumesponde subalit tinangka umano itong barilin ni Galang habang papalapit kaya inunahan umano ng putok at tinamaan si Galang sa kaliwang bahagi ng katawan.

Naroon din si PO3 Aguilar, kaibigan umano ni Galang, na hinihina­lang nagpaputok din  kaya na­damay ang mga inosenteng biktima.

ALDRIN MANLAPAZ

ARIEL AGUILAR

BENJAMIN LUMBAD

CAPULONG ST.

DEL ROSARIO

EDWIN GALANG

GALANG

GANANTIAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with