^

Metro

10-anyos patay sa kumalas na tubo ng tubig

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang 10-anyos na ba­tang babae ang nasawi ma­tapos tamaan sa ulo ng ku­malas na malaking tubo ng Maynilad Water Services Incor­porated (MWSI) kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Protacio General Hospital sa Barangay Tambo, Parañaque ang biktimang si Mary Jane Suela.

Sa ulat ni PO3 Nestor Rubel ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay Police, naganap ang insi­dente dakong alas-6:00 ng gabi sa ilalim ng Tambo Bridge sa panulukan ng Elec­trical Road Extension at Airport Road, Pasay City kung saan naninirahan ang pa­milya ng biktima na kabilang sa mga informal settlers.

Nabatid na nag-iigib ng tubig ang bata nang bigla na lamang kumalas ang mala­king tubo o main pipe na may sukat na 300 millimeters na halos kasinglaki ng bilog ng manibela ng kotse at tumama ang malaking elbow na nagdurugtong sa tubo ng MWSI sa ulo ng bata.

May hinala naman ang pu­­lisya na ilang mga residente sa naturang lugar ang posibleng niluwagan ang pag­­­ka­kadugtong ng main pipe upang makapaglagay ng ile­gal na koneksiyon ng tubig na naging dahilan upang bu­migay ang elbow dahil sa lakas ng pressure ng tubig at tiyempo itong tumama sa ulo ng biktima. ?Inaalam naman ng pulisya kung may pananagutan sa naturang insidente ang MWSI dahil hindi nila nababantayan ang kanilang main pipe na posibleng nasasabotahe para sa paglalagay ng illegal connection.

Nagtirik naman ng kandila sa lugar na pinangyarihan ng trahedya ang mga kalaro ni Mary Jane, hanggang sa bangketa kung saan kinaki­taan pa ng mga bakas ng dugo ng bata.

AIRPORT ROAD

BARANGAY TAMBO

MARY JANE

MARY JANE SUELA

MAYNILAD WATER SERVICES INCOR

NESTOR RUBEL

PASAY CITY

PASAY POLICE

PROTACIO GENERAL HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with