^

Metro

Bebot itinumba ng lover

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sabog ang ulo ng isang 34-anyos na babaeng negosyante nang barilin ng hindi pa nakilalang suspect, habang namamakyaw ng paninda sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Sally de Leon, residente ng    Purok 5, San Fernando, Pampanga. Dakong alas-8:30 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa Juan Luna malapit sa panulukan ng C.M. Recto, sa Binondo.

Ayon sa mga vendor, may narinig silang putok ng baril kasunod ng biglang pagbulagta umano ng biktima at hindi na nakita pa ang gunman, na posibleng mabilis na humalo sa mga taong naglalakad.

Narekober sa crime scene ang isang plastic bag na may lamang tatlong puting t-shirt kung saan nakabalot pa ang kalibre 38 na baril na ginamit;  malaking plastic bag na naglalaman ng mga pinamiling mga laruang pambata ng biktima; Sony Ericsson na cellphone at dalawang sim cards at P1,000 cash.

Sa pasisiyasat, nabatid na ang biktima ay dati nang nasaksak sa lugar at natukoy umano na ang kanyang kinalasan na live-in partner   ang nasa likod ng krimen.

Sinabi ng imbestigador na isang araw bago ang pamamaril, nagsumite na ng affidavit of desistance ang biktima laban sa dating live-in partner sa kasong RA 9262 o Violence Against Women na una nang ikinaso ng biktima. Nagbago ang isip ng biktima nang magkaroon ng settlement na iatras ang kaso.

Hindi naman umano isang holdap ang kaso dahil ‘intact’ ang lahat ng mga gamit at pera na dala ng biktima.

Nabatid na idineklarang dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital.  

ARMANDO MACARAEG

BIKTIMA

BINONDO

JUAN LUNA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JOHNSTON HOSPITAL

SAN FERNANDO

SONY ERICSSON

VIOLENCE AGAINST WOMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with