^

Metro

Beybi patay sa hita ni ate

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Suffocation o hindi naka­hinga ang 3-buwang gu­lang na babaeng sanggol nang madaganan ng hita ng kanyang kapatid, habang mahimbing na natutulog ang buong pamilya sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Wala nang buhay makaraang isugod sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Michelle Jane Merino, ng Gawad Kalinga, Baseco compound, Port Area, Manila.

Sa ulat ni PO3 Ra­mon­cito Tolentino ng Manila Po­lice Distric-Homicide Sec­tion, dakong alas-5:30 ng umaga nang madiskubreng patay ang sanggol  ng kanyang inang si Emma Ignacio.

Agad ginising ni Emma ang mister na si Peter  at sinabing hindi na humihinga ang beybi dahil nadaganan ng anak nilang 10-anyos na si Emarie.

Nabatid na natulog ang buong pamilya dakong alas-10:30 ng gabi, na posib­leng may ilang oras nang nadaganan ng hita ang sanggol dahil magka­katabi lamang silang natutulog sa maliit na silid.

Hindi umano nila agad napansin ang anak dahil sa himbing na pagkakatulog dulot ng malamig na panahon.

BASECO

DISTRIC-HOMICIDE SEC

EMARIE

EMMA IGNACIO

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

GAWAD KALINGA

MANILA PO

MICHELLE JANE MERINO

PORT AREA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with