^

Metro

Ginang binoga sa mukha, utas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 29-anyos na ginang nang barilin sa mukha ng hindi pa kilalang suspect sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, posibleng pinaghinalaang ‘informer’ ng pulis ang biktimang kinilalang  si Maria Sangcopan, walang permanenteng tirahan at namumulot lamang ng mga plastic at basurang pakikinabangan.

Nabatid na dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril  sa Elizondo cor. Palanca St., Quiapo, Maynila.

Tumanggi naman ang mister ng biktima ( na hindi pinangalanan) na masusi pang paimbestigahan ang insidente at isailalim sa awtopsiya ang bangkay.

Inaasahang nailibing na kahapon ng hapon sa Taguig Muslim Center ng biktima dahil sa kaugalian umano ng mga Muslim na hindi lumagpas sa 24 oras sa paglilibing ng namatay na kapatid sa Islam.

Wala umanong kagalit o posibleng kaaway ang biktima kaya nagtataka siya kung bakit ito pinatay.

Tulad din umano ng mga nakalipas na mga pagpatay sa lugar, karaniwan na binabaril sa ulo ang sinumang pinaghihinalaang police asset lalo’t ang lugar ay pugad pa rin ng mga sindikato ng iligal na droga. 

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

ELIZONDO

INAASAHANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIA SANGCOPAN

MAYNILA

NABATID

PALANCA ST.

TAGUIG MUSLIM CENTER

TULAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with