MANILA, Philippines – Sinuspinde ng isang buwan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Corimba Express Bus Incorporated na sumuwag sa sasakyan nina Makati RTC branch 50 Judge Reynaldo Laigo at asawang si Lilia sa may Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon.
Patuloy namang inaalam ng ahensiya ang posibleng resulta ng patay na prangkisa na binuhay ang operasyon ng naturang bus company.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Homer Mercado, Pangulo ng Southern Luzon Bus Operator Association (Soluboa) sa pamahalaang Aquino na magpatupad ito ng pwersahang pagsasanay sa mga bus driver sa tamang pagmamaneho para makaiwas sa mga aksidente.
Giit ni Mercado dapat ay may regular na pagsasailalim kada anim na buwang refresher course sa defensive driving ang lahat ng bus driver para maiwasan ng mga ito ang palagiang pagsingit sa? pagmamaheno na kadalasang nauuwi sa aksidente.
Batay sa talaan ng LTFRB, nakarehistro sa isang Alex Bacaru Kaluza ang prangkisa ng Corimba Express at may 16 itong unit na produkto umano ng “kabit system” ang prangkisa nito.