^

Metro

Prangkisa ng Corimba bus sinuspinde ng LTFRB

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines –  Sinuspinde ng isang buwan ng Land Trans­portation Franchising Regulatory Board (LTFRB­) ang prangkisa ng Corimba Express Bus Incorporated na sumuwag sa sasakyan nina Makati RTC branch 50 Judge Reynaldo Laigo at asawang si Lilia  sa  may Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon.

Patuloy namang inaalam ng ahensiya ang posibleng resulta ng patay na prangkisa na binuhay ang operasyon ng naturang bus company.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Homer Mercado, Pangulo ng Southern Luzon Bus Operator Association (Soluboa)  sa pamahalaang Aquino na magpatupad ito ng pwer­sahang pagsasanay sa mga bus driver sa tamang pagmamaneho para makaiwas sa mga aksidente.

Giit ni Mercado dapat ay may regular na pagsasailalim kada anim na buwang refresher course sa defensive driving ang lahat ng bus driver para maiwasan ng mga ito ang palagiang pagsingit sa? pagmamaheno na kadalasang nauuwi sa aksidente.

Batay sa talaan ng LTFRB, naka­rehistro sa isang Alex Bacaru Kaluza ang prangkisa ng Corimba Express at may 16 itong unit na produkto umano ng “kabit system” ang prangkisa nito.

ALEX BACARU KALUZA

COMMONWEALTH AVENUE

CORIMBA EXPRESS

CORIMBA EXPRESS BUS INCORPORATED

FRANCHISING REGULATORY BOARD

HOMER MERCADO

JUDGE REYNALDO LAIGO

LAND TRANS

QUEZON CITY

SOUTHERN LUZON BUS OPERATOR ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with