^

Metro

1 todas, 2 sugatan sa karambola ng sasakyan­

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata habang dalawa pang katao ang sugatan kabilang ang manugang na huwes ni Caloocan City Mayor Recom Echiverri sa karambola ng tatlong sasakyan, kahapon ng madaling-araw sa naturang lungsod.

Nakilala ang nasawi na si Rendel Lanutan, 22, ng no. 194 L. Roxas St. Sta. Quiteria, ng naturang lungsod.  Nagtamo ito ng ma­tinding pinsala sa katawan at ulo kung saan hindi na ito umabot ng buhay sa Manila Central University (MCU).

Isinugod rin naman sa naturang pagamutan dahil sa bahagyang pagkakasugat sina Quezon City Metropolitan Trial Court Judge Madonna Echiverri, 40, misis ni National Liga ng mga Barangay President at Caloocan Councilor Ricojudge Echiverri.  Isinugod rin sa naturang pagamutan ang driver na si Winston Ryan Lim, 26, ng F. Roxas St., 4th Ave­nue, Gracepark, ng naturang lungsod.

Patuloy namang ina­alam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tumakas na driver ng isang kotse na may plakang BDY-861 na siyang responsable sa karambola at nakasagasa sa biktimang si Lanutan.

Sa ulat ng Caloocan Traffic Management Unit, naganap ang insidente da­kong ala-1:30 ng mada­ling-araw sa kahabaan ng EDSA West bound sa Bgy. 193.  Lulan sina Ricojudge at ang kanyang misis ng kanilang Toyota Innova (TFB-270) habang kabuntot ang Mitsubishi Lancer (NQV-262) na minamaneho ni Lim at ang kotse ng suspect.

Unang nabundol ng sa­­sakyan ng suspect ang kotse ni Lim na bumangga rin naman sa sinusundang Innova ng mga Echiverri.  Kinabig umano ng suspect ang kotse nito sa kanyang pagtakas ngunit nasaga­saan naman si Lanutan na tumatawid sa kalsada sa pagmamadali nito.

Mabilis namang dinala ng mga tauhan ng Caloocan City Hall ang mga biktima sa naturang pagamutan kung saan hindi na umabot ng buhay si Lanutan.

BARANGAY PRESIDENT

CALOOCAN CITY HALL

CALOOCAN CITY MAYOR RECOM ECHIVERRI

CALOOCAN COUNCILOR RICOJUDGE ECHIVERRI

CALOOCAN TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

ISINUGOD

LANUTAN

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MITSUBISHI LANCER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with