^

Metro

100 pang fuel tankers binigyan ng truck ban exemption

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Madaragdagan pa ang mga fuel tankers­ na makikipagsiksikan sa trapiko sa Metro Manila makaraang aprubahan ng Metro­politan Manila Develop­ment Autho­rity (MMDA) ang pagbibigay ng eksemp­syon sa truck ban sa 100 tanker units buhat sa iba’t ibang kompanya ng langis.

Ang karagdagang mga fuel tankers na makikipagsabayan sa pagbiyahe sa  mga kal­­sada sa Metro Manila upang magdeliber ng mga produktong petrolyo ay buhat sa Petron Corporation, Total, Sea Oil, Jetti at Fil Pride.

Nasa 76 fuel tankers­ ang buhat sa Petron, 14 sa Total, 6 sa Sea Oil at tig-2 ang Jetti at Fil Pride.

Inaprubahan ang eksempsyon sa truck ban sa mga ito maka­raan ang pagpupulong ng MMDA sa mga opisyales ng Department of Energy kung saan nakita nila na mag­papatuloy ang kakapusan sa suplay ng petrolyo sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagkakasara ng pipeline ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC).

Bukod pa ito sa 146 fuel tankers ng Filipinas Shell at Chevron Philippines na siyang pangunahing guma­gamit ng pipeline. 

Nasa “status quo” naman ang eksemp­syon na ibinigay sa na­turang dalawang kompanya.   

Ayon sa DOE, hindi kayang makamit ang 1.8 milyong litro ng petrolyo na suplay ng Metro Manila dahil sa mahinang kapasidad ng Shell at Chevron kaya kailangang palakasin ang delivery ng petrolyo ng iba pang mga kompanya ng langis.

Hindi naman aplikable ang eksemp­syon sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Taft Avenue at EDSA.  Balido ito hanggang Enero 2011.

CHEVRON PHILIPPINES

DEPARTMENT OF ENERGY

FIL PRIDE

FILIPINAS SHELL

FIRST PHILIPPINE INDUSTRIAL CORPORATION

JETTI

MANILA DEVELOP

METRO MANILA

SEA OIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with