LTO chief, 1 pa kakasuhan
MANILA, Philippines - Sasampahan ng kaso ng mga opisyales ng Stradcom si Land Transportation Offiice (LTO) chief Virginia Torres at isa pang tauhan nito dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa dalawang negosyante na nagtangkang umagaw sa naturang tanggapan dahilan para maparalisa ang transaksyon ng buong kagawaran kamakailan.
Ayon kay Vince Dizon, Vice president for Corporate Affairs ng Stradcom, ang reklamo laban kay Torres ay base sa kuha sa CCTV footages na kasama siya sa umano’y nagmaniobra para mapasok ang tanggapan ng Stradcom noong nakaraang Huwebes kasama sina Aderico Yujuico at Bonifacio Sumbilla, ang mga nagpakilalang mga bagong pinuno ng Stradcom.
Bukod kay Torres, kasama rin sa sasampahan ng kaso ng Stradcom si Menelia Mortel, head executive assistant ng LTO.
Ayon naman kay Torres, handa siyang harapin ang anumang kasong isasampa laban sa kanya. At bilang mataas na opisyal ng LTO may karapatan anya siyang alamin at pumasok sa tanggapan ng Stradcom na nasa compound ng ahensya.
- Latest
- Trending