^

Metro

Lady Reporter bugbog-sarado sa holdaper

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagtamo ng mga sugat sa mukha at pasa sa katawan ang isang babaeng tabloid reporter matapos na makursunadahang pagbubugbugin at agawan pa ng cellphone ng tatlong kalalakihan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Si Rizza Joy Laurea, 29, reporter ng People’s Balita ay agad namang nalapatan ng lunas sa  Jose Reyes Memorial Medical Center dala ng tinamong mga sugat.

Matapos nito, agad na nag­sampa si Laurea ng reklamo sa tanggapan ng Quezon City Prosecutors Office laban sa tatlong suspect na nakilala sa mga pangalang Marvin Rapada, isang alyas “Clown” at isa pang hindi pa natukoy na lalake, pawang mga residente ng Road 8, corner Road 2 sa Brgy. Bagong Pag-asa.

Sa kanyang reklamo, nang­yari ang insidente ha­bang siya ay naghihintay ng masasakyan sa may  Visayas Avenue sa Project 6 ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Mula rito ay nilapitan si Laurea ng mga suspect at agad na pinagbubugbog. Ma­tapos nito, isa sa mga suspect na si Clown ang kumuha ng Honcao V8 cellphone ng una saka nagsipagtakas.

Agad namang tinulungan ng mga istambay si Laurea at tumawag ng barangay security officers na nagdala sa kanya sa barangay hall para magpa-blotter bago tuluyang dalhin sa naturang ospital.

vuukle comment

BAGONG PAG

BRGY

HONCAO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LAUREA

MARVIN RAPADA

MATAPOS

QUEZON CITY PROSECUTORS OFFICE

SI RIZZA JOY LAUREA

VISAYAS AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with