^

Metro

TRO ng 'kuliglig' ibinasura ng korte

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ibinasura ng  Manila Regional Trial Court ang isi­nam­pang petisyon ng  mga kuliglig drivers  laban sa ipinatupad na executive order ni Mayor Alfredo Lim.

Ang mga kuliglig drivers­  sa ilalim ng Alyansa ng Nagkakaisang Pedicab at Kuliglig Drivers ng Manila (Alnapedku) ay naghain ng kanilang petisyon sa MRTC branch 39 upang kuwestiyu­nin at ipatigil sa korte ang ipinatutupad na kautusan ni  Lim  na nagbabawal sa mga three-wheeled vehicles na pumasada sa mga pangunahing kalsada sa lungsod simula Disyembre 1.

Batay sa desisyon ni MRTC  Judge Noli  Diaz, ang Office of the Mayor  ay may ka­rapatang ipatupad ang mga batas trapiko bagama’t apektado dito ang  mga kuliglig drivers.

Sinabi pa ni Diaz na walang sapat na batayan ang mga driver upang  balewa­lain ang kautusan sa pamama­gitan ng paghingi ng  TRO. Sa Pebrero naman nakatakda ang pagdinig ng kaso kung unconstitutional  o hindi ang ka­utusan ni Lim.

DIAZ

JUDGE NOLI

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MAYOR ALFREDO LIM

NAGKAKAISANG PEDICAB

OFFICE OF THE MAYOR

SA PEBRERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with