^

Metro

Magpinsan kinatay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang magpinsan matapos na saksakin ang mga ito ng dalawang hindi pa nakikilalang kalalakhan habang naglalaro ng   pool kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan sina Jomar Gemino, 31; at Ariel Rosales, 23, kapwa ng Salay-Salay St., ng nabanggit na  lungsod.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa tapat ng bahay ng mga biktima sa nabanggit na lugar habang naglalaro ng pool ang mga ito nang biglang  sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabi silang inundayan ng sunud-sunod na saksak.        

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang magpinsan sa pagamutan, subalit hindi na umabot ng buhay. Iniimbestigahan pa ang naturang insidente. 

vuukle comment

ARIEL ROSALES

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

INIIMBESTIGAHAN

JOMAR GEMINO

KAPWA

SALAY-SALAY ST.

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with