^

Metro

Sunog sa Metro Manila tuluy-tuloy: 200 pamilya sa Taguig nawalan ng tirahan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Tuluy-tuloy ang nagaganap na sunog sa Metro Manila ngayong Disyembre makaraang 200 pamilya na naman sa Taguig City ang nawalan ng kanilang tirahan sa mahigit dalawang oras na sunog kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Taguig Fire Department, dakong alas-11 ng gabi nang mag-umpisa ang sunog sa bahay ng isang Benirando Agpalasin sa may Diego Silang Village, Brgy. Ususan.  Nabatid na sumiklab umano ang may tagas na tangke ng LPG na kabibili pa lamang.

Nagawa pa umanong ihagis palabas ng bahay ni Agpalasin ang lumiliyab na tangke ngunit sumabog ito at kumalat ang apoy sa bahay ng kapitbahay na si Walter Arcilla, 31, hanggang sa madamay na ang mga katabing bahay.

Umaabot sa 100 tahanan ang natupok ng naturang apoy kung saan naapula lamang ito dakong ala-1:25 na kahapon ng madaling-araw.

Sugatan sa naturang insi­dente ang sundalong si Private First Class Danreb Manalo at dalawa pang hindi nakikilalang residente. 

vuukle comment

AGPALASIN

BENIRANDO AGPALASIN

BRGY

DIEGO SILANG VILLAGE

DISYEMBRE

METRO MANILA

PRIVATE FIRST CLASS DANREB MANALO

TAGUIG CITY

TAGUIG FIRE DEPARTMENT

WALTER ARCILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with