3,500 isnaberong driver, ipatatawagng LTFRB
MANILA, Philippines – Umabot sa P3,500 driver na inireklamo dahil sa pagtanggi na magsakay ng pasahero ang ipapatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa imbestigasyon.
Ayon kay LTFRB chairman Nelson Laluces, revocation ng drivers license at multang P5,000 ang parusang kakaharapin ng mga operator sa mga drayber na namimili ng mga pasahero ngayong panahon ng kapaskuhan.
Nilinaw ni Laluces, ang nabanggit na bilang na drayber ay una nang inireklamo sa “Oplan Isnabero” ng Department of Transportation and Communications (DOTC).
Subalit, kasama din sa ipapatawag ng ahensya ang mga complainant sa isasagawang hearing. Aminado si Laluces na may mga pagkakataon na nadidismiss ang kaso laban sa mga abusadong drayber dahil sa hindi pagsipot ng mga complainant.
Batay sa Republic act 4136 o land transportation and traffic code, 15 araw na suspension ng driver’s license ang naghihintay sa mga drayber para sa first offense, isang buwang suspension sa second offense at revocation sa drivers license para sa third offense. Magmumulta naman ng P3,000 sa mga operator na naparusahan para sa first offense, P4,000 sa second offense at P5,000 sa third offense para sa mga tatangging magsakay ng pasahero.
- Latest
- Trending



















