^

Metro

Iniwan ng nobya, b-day boy nagbigti

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Sa halip na umano’y mag­diwang ng kanyang ka­arawan, kamatayan ang ibi­nigay na regalo sa sarili ng isang factory worker na nagbigti dahil sa labis na selos sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Si Rogelio Yabes, 37, ay nakita na lamang walang buhay na nakabitin sa kisame sa isang bakanteng kuwarto ng kanyang tahanan sa #67 Riverside St., San Francisco Del Monte sa lungsod.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso, bago ang pagpapakamatay, dahil sa birthday nito ay nakipag-inuman muna ang biktima sa kanyang mga kaibigan ganap na alas-2:30 ng hapon.

Matapos ito, nagkaroon umano ng pagtatalo ang bik­tima at nobyang si Margit Kaur kung saan tinatanong umano ng una ang huli kung bakit gusto na siyang iwan, kasabay ng pagbabanta na magpapakamatay ito kapag nawala siya.

Ayon kay Kaur, para ma­tapos ang kanilang pagtatalo at para lumamig ang ulo ng biktima, nagpasya siyang iwan ito pansamantala at nakituloy sa kanilang kapitbahay.

Pasado alas-6 ng gabi, isang kapatid ng biktima na si Norlin Yabes ang nagpunta kay Kaur at hinahanap ang kapatid nito, kaya napilitan ang huli na umuwi na ng ka­nilang bahay.

Sa pagkakataong ito, pagpasok ni Kaur sa kanilang bahay at magtungo sa isang bakanteng kuwarto na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay ay bumulaga sa kanyang harapan ang walang buhay na nakabiting katawan ng biktima.

“Ang sabi niya, huwag ko siyang iiwan, tapos ako pala ang iiwan niya,” sabi pa ni Kaur.

Patuloy naman ang gi­na­gawang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing in­sidente. 

AYON

JOGENE HERNANDEZ

KAUR

MARGIT KAUR

MATAPOS

NORLIN YABES

RIVERSIDE ST.

SAN FRANCISCO DEL MONTE

SHY

SI ROGELIO YABES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with