^

Metro

Namilit ng 'tagay' pinatay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines – Binawian ng buhay habang ginagamot sa Lourdes Hospital ang isang driver makalipas ang isang oras nang pagsasaksakin ito ng kanyang kapitbahay na nagalit umano sa pamimilit niyang ‘tagayan’ sa  Sta. Mesa, Maynila kamakalawa ng gabi.

Saksak sa dibdib ang iki­na­matay ng biktimang si  Rey Bustamante, 25, ng #3535 V. Mapa Extn., Sta. Mesa, Maynila. 

Agad namang isinuko ng kanyang ama ang isa sa mga itinuturong suspect na itinago sa pa­ngalang “Koreng” habang nakatakas ang umano’y pinsan nitong si Bruce Andrew Muyot, 21.

Sa ulat ni PO1 James Lagasca, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Aliw-in at Dupil Sts., Sta. Mesa, Manila.

Nauna rito, isang beer drinking contest umano ang isinasagawa sa nasabing lugar­ kung saan pilit umanong tinatagayan ng bik­tima si Bruce Andrew subalit tumanggi umano ang huli dahilan upang magkaroon ng mainitang pagtatalo. Umalis sandali si Bruce Andrew at nang bumalik ay sinaksak umano ang biktima.

Ayon sa pulisya, wala pang direktang ebidensiya na magsasangkot sa menor-de-edad na si “Koreng” ma­liban sa sinasabing binanggit ng biktima ang pangalan nito bago mamatay.

vuukle comment

BRUCE ANDREW

BRUCE ANDREW MUYOT

DUPIL STS

JAMES LAGASCA

KORENG

LOURDES HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAPA EXTN

MAYNILA

REY BUSTAMANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with