^

Metro

2 nalitson sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang nasawi makaraang tupukin ng apoy ang kanilang tinutuluyang apartment unit kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Joceline Enriquez, 30; at Francine Nicole Palo, kapwa ng #433 Dr. Sixto Antonio Ave­nue, Brgy. Maybunga, ng naturang lungsod.  Inoobserbahan naman sa pa­gamutan ang isa pang biktima na nakilalang si Dexter Enriquez, 40.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ni FO2 Robert Ma­­ra­villa, ng Pasig Fire Bu­reau, dakong alas-4 ng madaling-araw nang mag-umpisang sumiklab ang apoy sa loob ng inuupahang apartment unit ng mga biktima.

Dahil sa yari sa mga light materials, agad na lumaki at kumalat ang apoy sa mga katabing units at bahay sa naturang lugar.  Hindi naman nakalabas sa natutupok na bahay ang dalawang nasawi na mahimbing na natutulog nang sumiklab ang apoy habang nagawang makalabas ng bahay si Dexter sa kabila ng pagkapaso at makapal na usok.

Dakong alas-5:10 na ng madaling-araw nang maapula ng mga bumbero ang naturang apoy habang patuloy naman sa imbestigasyon ang mga bumbero upang mabatid ang sanhi ng naturang sunog.

BRGY

DAHIL

DEXTER ENRIQUEZ

DR. SIXTO ANTONIO AVE

FRANCINE NICOLE PALO

JOCELINE ENRIQUEZ

PASIG CITY

PASIG FIRE BU

ROBERT MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with