36 dagdag housing units, ipinamahagi
MANILA, Philippines – Mayroon ng bagong urban poor community sa Sitio Pajo Brgy. Baesa, na kapapalooban ng 36 na dagdag na housing units na bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng sapat at maayos na tirahan ang mga mahihirap na taga-Quezon City.
Ang 36 na bagong bahay ay nakapaloob na sa kabuuang 325 bilang ng mga GK housing units na naitayo sa may 16,204 square meter Sitio Pajo property na pag aari ng QC gov’t. na nakuha sa National Power Corporation noong 2007.
“This project is a showcase of the QC government’s transformative housing and community development strategy, with disaster risk management and upgrading of the quality of people’s lives at the heart development”, pahayag ni QC Mayor Herbert Bautista.
Ang mga bagong naipatayong multi-purpose building ay nai-turn-over ni Bautista sa komunidad sa isang simpleng okasyon. Sa kasalukuyan, may P47 milyon ng lot acquisition, land development, flood control at road infrastructure development ang lungsod sa Sitio Pajo.
Ang mga benepisyaryo ng proyekto ay may pagkakataon namang bayaran ang pabahay sa loob ng 15 taon na may 28 square meters kada isa at may monthly amortization na P500. Kada lote ay may halagang P56,000.
- Latest
- Trending


















