^

Metro

Budget ng Taguig pasado na

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Naipasa na kahapon ang budget ng pamahalaang lungsod ng Taguig na tinawag ni Mayor Maria Laarni Cayetano na “Peoples Budget” para mapalawak ang serbisyo publiko. Ayon sa tagapagsalita ni Mayor Lani na si Atty. Darwin Bernabe Icay, mahalaga ang pagkakapasa ng budget at taos-puso ang pasasalamat ni Mayor Lani sa mga sumuporta dito. 

Sabi ni Icay,  ang 2011 budget allocation ay  tinaguriang isang “People’s at  Reform Budget” sapagkat ang malaking “investment” ay sa human capital o sa deve­lopment ng bawat Taguigeño. Halimbawa nito ay ang P100 million para sa scholarships, P125 million para sa Taguig city hospital, P125 Million para sa Taguig City University, P570 million  para sa various infrastructure projects ( Pangalawang Ospital para sa district 1, Health Centers, School buildings, Daycare centers, sport centers at mga Kalye), at P75 million pesos para sa gamot.

Ipinaliwanag din ni Icay na malawakan ang reporma sa budget dahil pinababa ni Mayor Lani ang gastusin sa mga kontrobersyal na mga kontrata tulad ng Garbage Hauling, Information technology Services at Integrated Security Services at itinaas naman ang investment spending para sa taumbayan at infras­tructure. Ibinuhos niya sa serbisyo publiko ang ma­laking bahagi ng budget. ­

“Sa pagnanais ni Mayor Lani na magkaroon ng ma­lawakang reporma sa serbisyo publiko sa Taguig City, binawasan niya ng malaki ang budget ng office of the mayor”, dagdag ni Icay.

Nabatid na P443,906,304 ang budget ng Mayor’s office­ para 2011 mula sa P676,406, 651 nung 2010 nung panahon ni ex Mayor Tinga o bawas na P232,500,347.  

Ang bawas sa budget ni Mayor Lani  ay idinagdag sa front line services at infrastructure. Ang iba ay sa social services, mas pinalaking pondo para sa edukasyon at sa pang-kalusugan.

BUDGET

DARWIN BERNABE ICAY

GARBAGE HAULING

HEALTH CENTERS

ICAY

INTEGRATED SECURITY SERVICES

MAYOR

MAYOR LANI

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with