^

Metro

Binata sinorpresa ng bala

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang binata ang nasawi makaraang sorpresang barilin nang malapitan ng isang salarin sa lungsod Quezon kamakalawa­.

Nasawi habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Raymark Viloria, 19, walang trabaho ng Block 10, Lot 6, Humanity Village, Brgy. Silangan sa lungsod.

Wala namang nakakilala sa nasabing salarin na nakasuot ng itim na jacket at asul na sumbrero.

Nangyari ang insidente malapit sa bahay ng biktima ganap­ na alas-7:10 ng gabi. Sinasabing naglalakad ang biktima kasama ang kaibigang si Rafael Laurio papauwi nang lapitan ng suspect at barilin.

Bago nito, ayon kay Laurio, nakita niya ang kanyang dating­ kapitbahay na si Aldrin Manuel na kausap ang suspect.

Sa pagsisiyasat, nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa gawing ibaba ng kanang tagiliran nito na kanyang ikinamatay. 

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALDRIN MANUEL

BRGY

HUMANITY VILLAGE

ISANG

LAURIO

NANGYARI

NASAWI

PATULOY

RAFAEL LAURIO

RAYMARK VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with