^

Metro

P470-M damage suit vs PNP

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nagsampa ng P470 milyon­ damage suit sa QC prosecutors Office ang isang Allan Almoite laban sa  PNP at 5 iba pa dahil sa pag- aresto sa kanya ng mga ito makaraang paghinalaang mi­­yembro ng  teroristang Abu Sayaff  noong 2006 sa Valenzuela City.

Ang danyos para dito ay batay sa  Republic Act 9372 o ang  “Human Security Act of 2007” na sinampa ni Atty.  Felisberto Verano Jr., abogado ni Almoite.

Ani Almoite, entitled siya na makakuha ng danyos para sa  2007 Human Se­curity Act dahil sa pagkakamali ng mga awtoridad na siya ay hulihin at ikulong ng walang kasalanan.

Ang mga kinasuhan ay sina Supt. Roger James Brilliantes, Insp. Arnulfo Franco, Insp. Dante Yang, PO2 Reynaldo Yap, PO3 Peter Paul Pablico at PO3 Noel Fabia ng PNP.

Nadismis ng korte ang kaso ni Almoite noong 2008 matapos na ibilanggo ng may 3 taon.

Bukod sa P470 milyong danyos, humihingi pa si Almoite ng dagdag na  P1 milyon bilang  moral damages, P1 milyon bilang exemplary damages, P10 million bilang attorneys’ fees hindi kasama ang P10,000 appearance fees  kada  hearing

Si Almoite ay pinaghinalaan ng mga pulis na mi­yembro ng Abu Sayyaf  na may pangalang  alias “Ali.”

ABU SAYAFF

ABU SAYYAF

ALLAN ALMOITE

ALMOITE

ANI ALMOITE

ARNULFO FRANCO

DANTE YANG

FELISBERTO VERANO JR.

HUMAN SE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with