^

Metro

Trader utas sa riding-in-tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlong tama ng bala, isa sa mukha at dalawa sa likod ang tumapos sa buhay ng isang sari-sari store owner makaraang pagbabarilin ng malapitan ng isa sa dalawang riding-in-tandem suspect sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Darios Barrien­tos, 38, tubong Bacolod at residente sa Asunsion St., Cor. Verginia Joan of Ark, Brgy., Gulod Novaliches Quezon City.

Agad namang ipinag-utos ni P/Supt. Ramon Mauleon Perez hepe ng Quezon City Police station 4, ang pagtugis sa mga suspect na sakay ng isang Honda XRM motorcycle na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Nangyari ang pamamaril sa harapan ng bahay ng biktima ganap na alas-10:45 ng umaga. Sinasabing nakatayo ang biktima sa lugar nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang mga suspect na nagkunwaring bibili sa tindahan ng una.

Bumaba umano ang back rider na may bitbit ng baril at saka pinaputukan sa mukha ang biktima. 

Nang bumagsak sa semento ang biktima, muli itong binaril ng suspect sa likod, saka mabilis na sumakay sa naghihintay kasamahang may dalang motorsiklo at tumakas .

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa krimen.

vuukle comment

ASUNSION ST.

BACOLOD

BRGY

BUMABA

DARIOS BARRIEN

GULOD NOVALICHES QUEZON CITY

INAALAM

QUEZON CITY POLICE

RAMON MAULEON PEREZ

VERGINIA JOAN OF ARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with