Kelot binoga sa ulo, utas­

MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na la­laki ang iniulat na napatay makaraang barilin sa ulo ng ‘di-pa kilalang lalaki sa Quezon City kahapon.

Dead-on-the-spot si Abnir Antolin, jobless, ng Litex Road, Brgy. Commonwealth, Q.C.

Sa ulat ng pulisya, ganap na alas-12 ng mada­ling-araw nang maganap ang pamamaril malapit sa bahay ng biktima.

Bago ang insidente, nakipag-inuman muna ang biktima sa kapitbahay na si Renato Baluyot.

Makalipas ang ilang oras, ayon kay Marlon Antolin, kapatid ng biktima, bigla na lamang siyang tinawag ng ilang kalalakihan at sinabing ang kanyang utol ay nabaril.

Agad itong pinunta­han ni Marlon at naabutan na lamang niyang duguang nakahan­dusay ang kapatid sa kalye at napapalibutan ng mga usyosero.

Sa pagsisiyasat ng Que­­zon City Police District, tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 ang natagpuan sa nasabing lugar at isang deformed slug.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit kung saan inimbitahan din nila si Baluyot para magbigay linaw sa nagnap na krimen.

Show comments