^

Metro

Killer ng principal, timbog

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines –  Itinuturing ng pulisya na lutas na ang kasong pagpatay sa isang high school principal matapos madakip ang sinasabing gunman nito, iniulat kahapon sa Caloocan City.

Nakakulong ngayon sa   Caloocan City Police at sinampahan ng kasong murder ang suspek na si Bonifacio Salvador, 37-anyos, dating utility man sa Bagong Silang High School.

Sa imbestigation ng Station Investigation Division, ng Caloocan City Police, si Salvador ang itinuturong pumatay sa biktimang si Reynaldo Yamsuan, principal ng Bagong Silang High School noong Nobyembre 24 sa Waling-Waling St., Sampaguita Subdivision, Camarin.

Matatandaan na minamaneho ng biktima ang kanyang kotse (ZSH-711) sa naturang lugar nang bigla na lamang sumulpot ang suspek na sakay ng motorsiklo.

Walang sabi-sabing pi­nag­babaril ng suspek ang  biktima at nang matiyak nito na patay na si Yamsuan ay saka lamang ito mabilis na tumakas sa hindi natukoy na direksiyon.

Ang pagkakadakip sa suspek ay base na rin sa isang saksi na lumutang sa pulisya na nagsasabing may 10 metro lamang ang kanyang layo sa pinangyarihan ng insidente at nakilala nito ang gunman, dahilan upang magsagawa ng follow-up opera­tion ang mga pulis laban­ sa suspek sa Nova­liches, Quezon City.

Nabatid na si Salvador ay tinanggal ng biktima sa pagi­ging utility man sa naturang paaralan dahil umano sa ginawa nitong pagnanakaw kaya’t bilang ganti ay pinatay nito ang nabanggit na principal.

Napag-alaman pa rin na ang suspek ay manugang ng assistant principal ng Bagong Silang Elementary School na si Paulita Diza na umano’y napagalitan din ng biktima sa naganap na meeting ng kanilang faculty at employees meeting.

Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam din ng mga awtoridad kung may kinalaman si Diza sa ginawang pagpatay sa biktima, kung saan ay nakatakda itong imbitahan sa himpilan ng pulisya upang sumailalim sa isang interogasyon.

BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL

BAGONG SILANG HIGH SCHOOL

BONIFACIO SALVADOR

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

PAULITA DIZA

QUEZON CITY

REYNALDO YAMSUAN

SAMPAGUITA SUBDIVISION

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with