Sakit di na nakayanan: Pasyente tumalon sa ospital, patay

MANILA, Philippines –  Dead-on-the-spot ang isang 47-anyos na pasyen­teng lalaki nang tumalon ito mula sa Charity ward ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) na matatagpuan sa ika-3 palapag kamakalawa ng gabi sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.?

Kinilala ni Insp. Armando Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section ang nasawi na si Adam Villanueva, residente ng Phase 3 PKG 3 Block 66 Excess Lot,  Bagong Silang, Ca­loocan City.?

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi nang umakyat umano sa bintana ang biktima, sa loob ng ward sa ika-3 palapag sa main building ng JRMMC at bumulusok pababa, una ang ulo at bumulagta sa ground floor ng ospital.

Nabatid na dakong alas-4 ng hapon ay ipina-admit ng kanyang misis ang biktima at naiwan na ito  sa male charity ward  matapos ang oras ng dalaw. May upper gastro-intestinal bleeding umano ang biktima na po­sibleng ikinadismaya nito at naisipang magpakamatay na lamang.

Ani Macaraeg, basag ang bungo ng bik­­tima dahil nauna ang ulo nitong bumagsak. Kinuwestiyon naman ng imbestigador ang ginawang paglilinis ng ospital sa crime scene o pinagbagsakan ng biktima dahil hindi umano hinintay na dumating ang Scene of the Crime Operations (SOCO).

Show comments