^

Metro

Paslit lasog sa killer truck

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines –  Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 3-anyos   na batang babae makaraang magulungan ang katawan ng dambuhalang dump truck sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Maximo Sabio, hepe ng Traffic Sector 5 ang biktima na si Danica Rose Llena, residente ng Upper  Molave St., Payatas-B,  sa lungsod.

Si Llena ay namatay habang ginagamot sa East Ave­nue Medical Center (EAMC) dahil sa mga  tinamong matinding pinsala sa katawan.

Arestado naman ang driver ng killer truck na si Norwel Belanquit, 26, nakatira sa Area B, Group 3,  Brgy. Payatas, sa lungsod.

Sa ulat ni SPO1 Nicanor Joven ng TS5, nangyari ang insidente sa may tapat ng bahay ng biktima ganap na alas 5 ng hapon.

Diumano, papagarahe na ang dump truck (UBT-337) at kumukuha ng tiyempo papaatras nang biglang madale nito ang bata na kasalukuyang naglalaro sa lugar.

Sinasabing pumailalim sa truck ang bata hanggang sa magulungan ang katawan nito dahilan para labis mapinsala ang kanyang katawan.

Hindi umano napansin ng driver na may bata sa likuran niya kung saan nalaman na lang niyang nakasagasa siya nang sabihan siya ng mga tao sa lugar.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang kinakaharap ngayon ng driver.

vuukle comment

AREA B

CHIEF INSP

DANICA ROSE LLENA

EAST AVE

MAXIMO SABIO

MEDICAL CENTER

MOLAVE ST.

NICANOR JOVEN

NORWEL BELANQUIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with