^

Metro

Totoy sinalvage sa Maynila

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Isiniksik sa loob ng garbage bag saka inilagay sa isang kahon ang bangkay ng isang 15-anyos na binatilyo na pinaniniwalaang biktima ng salvage saka itinapon sa tambak ng basura   sa likod ng Central Post Office sa Muelle del Rio, Ermita, Maynila.

Saksak at marka ng bigti sa leeg habang may  nakapulupot na wire sa buong katawan nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Ricardo Juego, out-of-school youth at residente ng Muelle del Banco Nacional, Binondo, Maynila. Isang Nelson Umapog, pedicab driver ang napadaan sa lugar at nang mamataan ang kahina-hinalang malaking kahon sa basurahan dahil may nakalusot na paa ng tao kaya agad niyang ipinaalam sa awtoridad.

Sa impormasyong nakarating sa pulisya, talamak na snatcher ang biktima sa area ng Divisoria at Avenida. Ayon sa kaanak ng biktima, may umaresto umanong nakasibilyang mga pulis sa binatilyo noon pang Lunes at hindi na nakabalik pa.

vuukle comment

AYON

BANCO NACIONAL

BINONDO

CENTRAL POST OFFICE

DIVISORIA

ERMITA

ISANG NELSON UMAPOG

ISINIKSIK

MAYNILA

MUELLE

RICARDO JUEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with