^

Metro

Gasolinahan hinoldap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines –  Hinoldap ng   tatlong armadong suspect ang isang sangay ng Caltex gasoline station sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Police Station 11 ng Quezon City Police, alas-2 ng madaling-araw nang holdapin ng mga armadong suspect na sakay ng isang taxi ang gasoline station na matatagpuan sa kahabaan ng E. Rodriguez Extension corner Sunnyside Drive sa lungsod.

Ayon kay Samuel Lantija, 19, gasoline boy, nagkukuwentuhan sila ng kanyang kasamahan nang dumating ang isang kulay puting taxi na may plakang (UVC-406) na akala nila ay mga kustomer. Mula rito ay bumaba ang dalawang lalake kung saan isa sa mga ito ang may bitbit na halagang P1,000 na tila magpapalit, ngunit paglapit kay Lantija ay saka naglabas ng baril at tinutukan siya.

Dito na nagdeklara ng holdap ang dalawang suspect sabay tutok din ng baril sa guwardiyang si Jackson Nodalo at saka lumapit sa cashier ng gas station na si Eliseo Galicia at kinuha ang magdamag na kita nito na aabot sa P6,000 at pagkatapos ay mabilis na nagsipagtakas.

Sa ngayon sinisikap ng pulisya na matukoy ang may-ari ng taxi na ginamit ng mga suspect matapos na makuha ang plaka nito at magsilbing daan para maaresto ang mga suspect.

vuukle comment

AYON

CALTEX

DITO

ELISEO GALICIA

HINOLDAP

JACKSON NODALO

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE

RODRIGUEZ EXTENSION

SAMUEL LANTIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with