16 'kuliglig' drivers kinasuhan
MANILA, Philippines - Isinailalim na sa inquest proceeding sa Manila Prosecutor’s Office ang 16 na kuliglig drivers at nakisawsaw na militanteng grupo na kumokontra sa pagpapatupad ng Executive Orders Nos. 16 at 17 at dahil sa pambabato at panggugulo sa isinagawang kilos-protesta sa harapan ng Manila City Hall sa Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.
Mga kasong illegal assembly, obstruction at assault ang inihain sa 16 na driver ng kuliglig at isang babae na may karga pang anak na inaresto ng mga awtoridad.
Nilinaw naman ni Manila Mayor Alfredo Lim na hindi naman nagkaroon ng labis na puwersa sa dispersal dahil nagkaroon pa ng negosasyon subalit nanguna ang mga raliyista na mambato na ikinasugat ng maraming pulis.
Nanindigan din si Lim sa ipinalabas na kautusan laban sa mga kuliglig, na sentro umano ng reklamo ng ibang motorista.
Sinisi pa ni Lim ang ilang militanteng grupo sa panunulsol sa mga kuliglig driver na mag-rally.
- Latest
- Trending