Kelot na humoldap, pumatay sa mag-asawang trader timbog

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki na nangholdap at pumatay sa mag-asawang negosyante kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakakulong na at nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek na si Antonio Tulipas, 36 ng Ilang-Ilang St. , Brgy. Tanza, Navotas City.

Nabatid na si Tulipas ay naaresto sa bisa ng war­rant of arrest na inisyu ni Judge Celso Magsino, Jr. ng Malabon City Regional Trial Court (RTC), Branch 74.

Ayon sa rekord ng pu­lisya, hinoldap at pinatay ni Tulipas ang mag-asawang sina Aimee at Oliver Magcalas noong nakalipas na Oktober 9, 2010 dakong alas-2:45 ng hapon sa ka­habaan ng Flores St., Brgy.  Flores, Malabon City.

Bukod sa robbery with homicide ay nahaharap din si Tulipas sa mga kasong attempted homicide, kidnapping with ransom, frustrated murder, murder­, illegal possession of firearm and ammunitions, frustrated homicide at isa pang murder dahil sa pagpatay nito sa biktimang si Rocky Matias.

Show comments