^

Metro

Rali ng 'kuliglig' sa Maynila naging marahas

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines – Naging marahas ang resulta ng isinagawang rali ng  mga driver ng ‘ku­liglig’ nang  buwagin ang kanilang hanay ng mga tauhan ng Manila police na naging dahilan din ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa mga panguna­hing lansangan sa lungsod kahapon ng hapon.

Nabatid na sugatan din ang mga pulis na sina Chief Insp. Mar Reyes, SPO2 Edmund de Jesus, PO3 Adonis Aguila, PO1 Manuel Peco, GMA cameraman na si Greg Gon­zales habang ang mga sibilyan naman na dinakip ay sina  Manuel Tumon, Renato Palomo, Leu­terio Tisado, Armando Ludlamat, Re­nato Eugenio­, Mary Joyce Mangalili at dalawang  iba pa.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang magpasya ang Special Weapon’s  and Tactics Group, Bureau of Fire  at ng MPD  na gamitan ng  teargas at  water canon nang  makipag­matigasan ang mga miyembro ng kuliglig kung saan hinarangan ng mga ito ang  lane patungong Sta. Cruz at Quiapo.

Umaabot din sa 20  kuliglig ang nasira at ki­num­piska matapos na mag­takbuhan ang mga  kuliglig driver.

Ayon naman kay Manila Mayor Alfredo Lim,  mali ang impormasyong ibinibigay ng ilang support group  sa mga miyembro ng kuliglig. Aniya, maliwanag ang kanilang sinasabi na bawal lamang sa mga pangunahing kalsada ang mga kuliglig dahil na rin sa pagsisikip ng daloy ng trapiko at paglabag sa Clean Air Act.

Kaugnay nito, ilan naman sa mga kuliglig  driver ang hindi pabor sa ginawang  pagra-rally ng kanilang kasamahan. Nagpahayag din ng kalungkutan ang mga ito sa umano’y pag-iwan sa kanila ng support group na Bayan Muna nang magsimula ang dispersal. Mas naniniwala siyang mas dapat na daanin sa legal na pag-uusap.

Bunsod nito, sinabi ni Lim na tuloy pa rin ang ka­nilang mga paghuli hangga’t hindi sumusunod sa batas  ang mga kuliglig  at hangga’t patuloy ang kanilang paggamit ng  motor ng  bangka sa kanilang  pedicab.

ADONIS AGUILA

ARMANDO LUDLAMAT

BAYAN MUNA

BUREAU OF FIRE

CHIEF INSP

CLEAN AIR ACT

GREG GON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with