^

Metro

Sanggol isinilang sa multicab

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Isang malusog na sanggol na lalaki ang iniluwal ng isang 35-anyos na misis sa loob ng multicab sa harapan ng Marikina City Hall, kamakalawa ng gabi.

Nasa maayos nang kalagayan sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang inang si Mildred Adevillas ng San Bartolome, Novaliches, Quezon City at ang anak nitong sanggol na lalaki.

Ayon kay Marikina Public Information Office chief, Paul Sison, nagmula sa pagpapa check-up sa ARMMC si Adevillas at papauwi nang bumuhos ang ulan habang nasa harapan ng City Hall.

Nagtatakbo si Adevillas at pumasok sa nakaparadang multicab upang sumilong kung saan dito na ito inabutan ng panganganak. 

Nadiskubre naman ng security guard na si Raymundo Bautista na nanganganak si Adevillas kaya agad na humingi ng responde sa Marikina Rescue Unit 161 na nagsugod naman sa mag-ina sa ospital.

Inaalam pa ni Sison ang kaanak ni Adevillas upang ipaalam ang naganap na insidente.

vuukle comment

ADEVILLAS

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

CITY HALL

MARIKINA CITY HALL

MARIKINA PUBLIC INFORMATION OFFICE

MARIKINA RESCUE UNIT

MILDRED ADEVILLAS

PAUL SISON

QUEZON CITY

RAYMUNDO BAUTISTA

SAN BARTOLOME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with