^

Metro

Puganteng Yakuza arestado

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga ope­ratiba ng Bureau of Immigration (BI) Interpol Division ang isang miyembro ng sindikato ng  Yakuza na sinasabing nakapuga sa kulungan sa Tokyo, Japan.

Kinilala ni BI officer-in-charge Ronaldo Ledesma ang pugante na si Eiichi Sugimoto,49, na kasalukuyang nakapiit sa Immigration jail sa Bicutan, Taguig City.

Ipinag-utos na rin ni Le­desma sa BI board of Commissioners ang deportation kay Sugimoto dahil sa pagiging overstaying, undocumented at undesirable allien.

Si Sugimoto ay may na­kabinbing arrest warrant mula sa summary court sa Tokyo kaugnay sa pandaraya sa dalawang kasamahang Hapones ng P25 milyong yen bilang puhunan sa Duty-Free shop at restaurant malapit sa Mactan Airport sa Cebu noong March 2009.

Nadiskubre rin ng BI mula sa Japanese Embassy na si Sugimoto ay dating miyembro ng Sumiyoshi Kai Koehi family­ ng Yakuza.

BUREAU OF IMMIGRATION

EIICHI SUGIMOTO

INTERPOL DIVISION

JAPANESE EMBASSY

MACTAN AIRPORT

RONALDO LEDESMA

SI SUGIMOTO

SUGIMOTO

SUMIYOSHI KAI KOEHI

TAGUIG CITY

YAKUZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with