^

Metro

Nakipanood ng TV sinumpak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 22-anyos na pinagbintangang nagnakaw ng pera na ‘pataya’ sa ‘ending’ ng basketball game, ang namatay matapos na sumpakin habang nakikipanood ito ng TV sa loob ng bahay ng kapitbahay, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala ng baril sa batok ang biktimang si Anthony Tiozon ng Bldg 9, Unit 37 Temporary Housing, sa Bgy. 105 Zone 8, Vitas, Road 10, Tondo, Manila. Mabilis namang nakatakas ang suspect na nakilalang si Ren Bigalan, alyas “Kalbo”, kapitbahay ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong  alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Unit 35 ng Temporary Housing habang nanonood ng telebisyon ang biktima sa bahay ng suspect upang hintayin ang resulta ng ending ng basketball.

Dito ay hinanap umano ng misis ng suspect ng kabuuang pataya o P300 cash na nakolekta nito sa ending. Pinagbintangan umano ng suspect ang biktima hanggang sa nauwi sa pagtatalo.

Bunsod nito, kinuha ng suspect ang kanyang sumpak at pinaputukan ang biktima. Sa kabila ng tama ng sumpak ay tinangka pang tumakbo ng biktima subalit muli itong pinaputukan ng suspect.

vuukle comment

ANTHONY TIOZON

BGY

BUNSOD

DITO

ISANG

KALBO

MABILIS

MAYNILA

REN BIGALAN

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with