^

Metro

Barat na bading, todas sa callboy

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tuluyan nang binawian ng buhay ang isang bading makaraang pagsasaksakin ng lalaking ka-textmate nito nang baratin sa bayad matapos ang kanilang pagtatalik sa loob ng isang motel, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Namatay sa Pasay City General Hospital sanhi ng maraming tama ng saksak sa katawan ang biktimang si Romeo Climacosa, ng #2 Doña Eva St., Irene Ville, Sucat, Parañaque City habang nakapiit naman ang suspect na si Cesar Gabad, 25, naninirahan sa Molave St., Bacoor, Cavite.

Sa ulat ng Pasay Police-Station Investigation and Detective Management Section, naganap ang insidente dakong alas-7:15 ng gabi sa loob ng Room 221 ng Rotunda Lodge sa may EDSA-Rotonda.

Nabatid na naging magka-textmate sina Climacosa at Gabad kung saan ilang beses na umanong nagkikita ang dalawa at nagdi-date.  Muling nagkita ang dalawa kamakalawa kung saan pumayag si Gabad na makipagtalik kay Climacosa kapalit ng ipinangakong bayad nito.

Matapos ang mainit na pagtatalik sa naturang motel, hindi umano tinupad ni Climacosa ang pangakong halaga ng kanyang bayad sanhi upang magalit ang suspect.  Isang pagtatalo ang naganap hanggang sa magbunot ng patalim si Gabad at pagsasaksakin ang biktima.

Napansin naman ng cashier na si Emily Montages ang komosyon sa loob ng kuwarto kaya nito tinawag ang security guard na si Algie Comembo.  Nagtangka pa umanong tumakas ang suspect ngunit nasakote ito ni Comembo na agad na humingi ng res­ponde sa pulisya.  Tumambad naman sa mga tauhan ng motel ang duguan at walang saplot na katawan ni Climacosa na agad na isinugod sa nabanggit na pagamutan.

Nakaditine ngayon si Gabad sa Pasay detention cell at nahaharap na sa kasong murder sa Pasay Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ALGIE COMEMBO

CESAR GABAD

CLIMACOSA

EMILY MONTAGES

EVA ST.

GABAD

IRENE VILLE

MOLAVE ST.

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with