Grupo ng PETC, nagreklamo sa DOTC

MANILA, Philippines - Inirereklamo  ng Association of Private Emission Testing Center Owners for Environmental Protection (APOEP) sa Department of Transportation and Communications (DoTC) ang umano’y hindi patas at hindi magandang pagtrato ng Land Transportation Office (LTO) sa paghawak sa isyu ng emission testing non-appearance.

Sa kanilang liham kay DoTC secretary Jose “Ping” de Jesus, nakasaad na ang LTO PETC Adhoc Committee, binabewala umano ng nagngangalang Menelia ang mga maliliit na PETC na hindi pag-aari ng PETC IT providers sa kanilang ginagawang imbestigasyon sa kaso ng non appearance ng emission testing.

Binanggit pa sa liham na pawang mga PETC na nakakonek sa PETC IT providers ang halatang  hindi isinama sa listahan ng mga PETC na pinagsususpetsahang may aktibidad ng non-appearance.

Sa halip tanging mga PETC na konektado sa PETC Direct Facility ang kanilang pinupuntirya sa mga nakaraan nilang pagpupulong at ilang mga ipinalabas na ulat.

Matatandaan na una ng nalagay sa kontrobersya ng conflict of interest ang mga PETC IT providers dahil maliban sa pagi­ging IT providers ay sila din ang may-ari ng mga PETC dahilan upang magkaroon umano ng hokus pokus sa resulta ng mga sasakyang sumasailalim sa emission testing.

Show comments