^

Metro

Motor vs truck: 1 dedo, 1 kritikal

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang na­ma­tay habang sugatan ang angkas nito makaraang su­­malpok ang sinasak­yang motorsiklo sa isang 18-wheeler na trak, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Anthony Creo, 23, ng M.H. Del Pilar St., Santolan, Malabon habang ginagamot naman sa Manila Central University (MCU) ang kasamahan nito na si Jerome Requiron, 21, ng Mesina St., Tinajeros, ng naturang lungsod.

Kusang-loob namang sumuko si Ruben Pe­rillo, 24, ng Ranao-Ranao, Ligao, Albay at driver ng Isuzu Cargo Truck (EVS-617).

Nahaharap ito nga­­yon sa kasong “reckless imprudence resulting to ho­micide at serious physical injuries”.

Sa ulat ng Malabon Po­lice­-Traffic Management Sec­tion, naganap ang insi­dente dakong ala-1:35 ng umaga sa kahabaan ng Gov. Pascual St., Bgy. Potrero, ng nasabing lungsod.

Lulan ang dalawang bik­tima ng Yamaguchi Flash motorcycle (8812-NE) nang makasalubong at sumalpok sa trak na minamaneho ni Perillo.

Tumalsik ang magka­angkas sa motorsiklo kung saan agad na nasawi si Creo na hinihinala ng pu­lisya na walang suot na helmet. 

ANTHONY CREO

DEL PILAR ST.

ISUZU CARGO TRUCK

JEROME REQUIRON

MALABON CITY

MALABON PO

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MESINA ST.

PASCUAL ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with