Gasoline boy patay sa holdap

MANILA, Philippines - Patay ang  isang gasoline boy makaraang mabaril ng isang holdaper na nambiktima sa kanilang kustomer, kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng bala sa likod ang biktimang si Ronnie Eusuya, ng Longos, Malabon.

Arestado naman ang suspect na si Victor Torres, 22, ng Sitio Puting Bato, NBBS, ng naturang lungsod na nagtamo ng tama ng bala sa may puwitan nang paputukan ng security guard ng gasolinahan na si Ronnel Saycon, 45.

Sa ulat ng Navotas police, dakong alas-3 ng mada­ling-araw nang holdapin ni Torres ang isang kustomer ng Chevron Gasoline station sa Road 10, Northbay Blvd. South, Navotas City. Agad namang napansin ito ng sekyu na si Saycon na agad na rumesponde.

Dala na rin ng pagkataranta, nagpaputok ang suspect na si Torres ngunit ang gasoline boy na si Eusuya ang tinamaan nito. Agad namang gumanti si Saycon kung saan tinamaan sa may puwitan ang papatakas na salarin.

Show comments