^

Metro

Salvage victim natagpuan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Natagpuang nakabalot ng isang itim na trash bag  ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage sa panulukan ng P. Burgos St. at Ermita sa Maynila kahapon ng umaga.

Nakabalot din ng packaging tape ang buong ulo at may malalim na sugat sa noo ang biktima na nasa edad na 25-30, may taas 5’5 hanggang 5’7, nakasuot ng kulay gray na t-shirt at brief, at may ‘BCJ tattoo sa  katawan. Natag­puan ito ng isang basu­rero dakong alas-7 ng umaga sa gilid ng National Museum.

Samantala, iniahon naman ng Philippine Coast Guard ang bangkay ng isang lalaki na inilarawan sa edad na 40, 5’6 ang taas, naka-itim na t-shirt na hinihinalang nalunod sa Pasig River na sakop ng  Muelle de la Industria, sa Delpan,Tondo, Maynila.

Dinala ang  bangkay ng biktima sa St.Yvan Fu­neral Homes habang sa St. Harold Funeral Homes  naman inilagak ang bangkay ng sal­vage victim.

vuukle comment

BURGOS ST.

DELPAN

DINALA

ERMITA

MAYNILA

NATIONAL MUSEUM

PASIG RIVER

PHILIPPINE COAST GUARD

ST. HAROLD FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with