^

Metro

Totoy binistay ng bala

- Ni RickyTulipat -

MANILA, Philippines - Sa murang edad ay ma­agang binawian ng buhay ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang tadtarin ng bala sa buong katawan ng hindi nakikilalang salarin sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ronald Serrano, out-of- school youth, at residente ng Kalayaan B, Brgy. Batasan.

Hindi naman matukoy ni SPO2 Neil Garnace, may-hawak ng kaso, kung sino ang salarin sa nasabing insidente dahil walang residenteng gustong magsalita ukol dito.

Sa inisyal na pagsisiyasat, gang war ang posibleng ugat ng pamamaril dahil talamak umano ang kaguluhan sa lugar bunga ng mga nagsulputang iba’t ibang grupo ng gang.

Sinasabing nangyari ang insidente ganap na alas- 12:20 ng madaling-araw sa may Kalayaan St., ng naturang barangay.

Mag-isang nakatayo ang biktima sa harap ng isang electronic shop nang biglang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Nang mapawi ang putok ay nakita na lamang ang bik­tima na duguang nakahandusay sa kalye na tadtad ng tama ng bala sa buong katawan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasabing insidente upang mabatid ang tunay na motibo ng pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

BATASAN

BRGY

KALAYAAN B

KALAYAAN ST.

KINILALA

NANG

NEIL GARNACE

QUEZON

RONALD SERRANO

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with