^

Metro

Bagong laya itinumba

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bigo sa pagbabagong buhay ang isang 28-anyos na bagong laya sa Manila City Jail nang itumba ito ng hindi nakilalang suspect habang nag-aayos ng tricycle na kan­yang ipapasada, sa Sta Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Tadtad ng saksak at may laslas pa sa leeg ang biktimang kinilala sa pamamagitan ng dala niyang Certification of Discharge na inisyu ng Manila City Jail na si Juan Zalazar, residente ng   Nakpil St., Paco,  Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Danilo Vidad ng MPD-Homicide Section, dakong alas-6:15 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa panulukan ng Oroquieta at Malabon Sts., Sta. Cruz,  Maynila.

Una nang nakitang nagkukumpuni ng tricycle ang biktima nang dumating umano ang di nakilalang suspect at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at nagtamo din ng malaking sugat sa leeg. Mabilis na tumakas ang suspect. Hindi pa mabatid kung ano ang posibleng dahilan sa pagpaslang sa biktima.

vuukle comment

CERTIFICATION OF DISCHARGE

DANILO VIDAD

HOMICIDE SECTION

JUAN ZALAZAR

MALABON STS

MANILA CITY JAIL

MAYNILA

NAKPIL ST.

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with