^

Metro

Principal patay sa ambush

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang principal matapos na ambusin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin  habang ang una ay sakay ng kanyang kotse kamakalawa sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa FEU Hospital ang biktimang si Reynaldo Yamsuan, 59, prin­­cipal ng Bagong Silang High School at residente ng Calculus St., Sto. Niño, Meycauyan, Bulacan, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek.

Sa naantalang report na nakarating kahapon sa Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa kahabaan ng Waling Waling St., Sampaguita Subdivision, Camarin ng nabanggit na siyudad.

Sakay ang biktima ng kanyang kotse at habang binabagtas nito ang nabanggit na lugar, nag-aabang ang mga suspek at walang sabi-sabi itong pinagbabaril.

Kahit may tama na ay nagawang makabusina ng biktima na naging dahilan upang magsitakas ang mga suspek nang makitang may mga parating na mga tao.

Nabatid na matagal nang nakakatanggap ng death threats ang biktima kung kaya nagdadala na ito ng baril,  subalit  kamakalawa ay naiwan niya ito.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente. Inaalam pa rin ang motibo sa isinagawang pagpaslang.

vuukle comment

BAGONG SILANG HIGH SCHOOL

BULACAN

CALCULUS ST.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

HANGGANG

REYNALDO YAMSUAN

SAMPAGUITA SUBDIVISION

WALING WALING ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with