^

Metro

Natakot sa parak, tumalon sa ilog lunod

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines – Matinding takot umano sa humahabol na pulis ang dahilan ng pagtalon ng isang 38-anyos na lalaki sa Pasig River na naging dahilan ng kanyang kamatayan sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila.

Kahapon, lumutang na ang bangkay ni William Ocieas, ng Sta. Ana, Maynila.

“Natakot sa pulis dahil huhulihin sa pagsusugal, tumakbo tapos tumalon sa Pasig River na nasa likod ng Sta. Ana Market,” ayon kay PO3 Alonzo Layugan. 

Nabatid na dakong alas- 6 ng umaga kahapon nang matagpuan sa Pasig River na sakop ng Bacood, Sta. Mesa ang bangkay ng biktima.

Ayon sa ulat, dakong ala-1 ng hapon noong Sabado nang bulabugin ng mga pulis ang paglalaro ng cara y cruz ng kalalakihan sa Sta. Ana at isa umano ang biktima sa huhulihin nang biglang tumalon sa ilog.

Hindi na nakita pa ang biktima hanggang sa lumutang ang bangkay nito kahapon at nakilala lamang ng pamilya niya sa suot nitong damit dahil­ sa naagnas na ang bangkay nito.

ALONZO LAYUGAN

ANA MARKET

AYON

BACOOD

KAHAPON

MATINDING

MAYNILA

NABATID

PASIG RIVER

WILLIAM OCIEAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with