Pagpapaliwanag ng mga nagwelgang bus company, pinalawig

MANILA, Philippines - Handa ang Land Transpor­tation Franchising and Regula­tory Board (LTFRB) na palawigin pa ang 72 hours na deadline sa show cause order na ipinadala sa may 120  bus operator na nagsagawa ng tigil- pasada noong Nobyembre 15 bilang protesta sa MMDA bus coding.

Ayon kay Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB, tatanggapin pa ng kanilang hanay hanggang Huwebes ang sagot ng mga bus operator kaugnay ng  notice. Kahapon ay natapos ang 72 hour na ultimatum.

Katwiran ni Iway, hindi naman agad na naisasalang sa hearing ang mga ipinatawag na bus operator dahil 10 bus operator muna ang idadaan sa hearing sa Huwebes. Magi­ging magulo anya ang pagdinig kung lahat ng mga bus com­pany na nai- subpoena ay sabay-sabay na isasalang sa isang hearing.

Show comments