^

Metro

High school student, todas sa 2 adik

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 3rd year high school student ang sinasabing napag­tripan at napatay ng dalawang binatilyo na hinihinalang lango sa iligal na droga sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Arvee Renzo Gubmalin, 16, 3rd year student ng Rajah Sulaiman High School at residente ng Gate 3 Area A, Parola compound, Tondo, Manila sanhi ng tinamong saksak sa likod. Tinutugis na ang mga suspect na tinatayang nasa edad 15 hanggang 18-anyos lamang, isa ang nakasuot ng t-shirt na puti, at residente umano ng Gate 10, Area A, Parola compound, Tondo, Manila na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO3 Edgardo Ko ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-2:10 ng madaling-araw sa isang makipot na eskinita sa Gate 3 Area A, Parola compound, Tondo, Manila.

Nabatid na inutusan ang biktima ng kanyang mga kamag-anak na sunduin ang tiyahin nitong si Deborah Sicat sa Bliss, Tondo dahil sinumpong sa sakit na high blood   ang lola nito.

Nang pabalik na sa kanilang bahay ay naglakad lamang   ang biktima habang ang tiyahing si Deborah ay sumakay ng pedicab, nang lapitan umano ng mga suspect at saksakin.

Wala nang nasabi pa ang biktima nang dumating sa kanilang bahay, kundi ang pagsusumbong sa tiyahin na may tama siya ng saksak kaya’t nangarag si Deborah na habang inaalam ang sitwasyon ng ina na inaatake ng high blood, isinugod muna ang pamangkin sa ospital subalit binawian na ng buhay.  

vuukle comment

AREA A

ARVEE RENZO GUBMALIN

DEBORAH SICAT

EDGARDO KO

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PAROLA

RAJAH SULAIMAN HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with