^

Metro

Nanita ng maingay, pinatay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay matapos pagtulungang bugbugin at pagsasaksakin ang isang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng isang grupo ng kalalakihan na sinita ng una dahil sa pag-iingay kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Wilfredo Baclig, 53, ng Santos St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod. Nagtamo ito ng malalalim na saksak at matinding pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isang manhunt operation ang isinasagawa ngayon ng pulisya laban sa mga suspek na kinilalang sina Jobert Arcega; Jason Arcega at dalawa pang hindi nakilalang lalaki na mabilis na nagsi­takas matapos ang insidente.

Ayon sa report, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi malapit sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Kasalukuyang nagpapahinga ang biktima nang makarinig ito ng ingay mula sa labas ng kanyang bahay. Nakita ng biktima ang mga suspect na sinaway nito sa pag-iingay na imbes na tuma­himik ay kumasa pa sa biktima.

Dahil dito binaba ni Baclig ang mga suspect na nagtulung-tulong na gulpihin at pagsasaksakin ang una bago nagsitakas sa magkaka­hiwalay na direksyon.

vuukle comment

AYON

BACLIG

BRGY

DAHIL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

JASON ARCEGA

JOBERT ARCEGA

MALABON CITY

SANTOS ST.

WILFREDO BACLIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with