^

Metro

Electric tricycle pumasada na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - May 22 electric tricycle ang umarangkada na kahapon sa mga lansangan sa Mandaluyong City na naglalayong maging alternatibong uri ng transportasyon para sa pagtitipid sa gasolina at pagsagip sa kalikasan.

Sinabi ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos Jr. na ang lungsod ang napili ng Department of Energy (DOE) bilang “pilot testing area” sa pagpapasada ng mga tri­cycle na tumatakbo gamit ang elektrisidad at hindi gasolina.

Nagbuhat ang mga E-tri­cycle sa grant ng Asian Deve­lopment Bank (ADB) sa DOE kung saan nagkakahalaga ng US$5,000 ang bawat tricycle. Pwede umano nitong maglulan ng hanggang walong pa­sahero.

Bilang pa­simula, ipapapasada ng pamahalaang lungsod ang mga tricycle sa mga napiling mga benepisaryo na driver kung saan magre-remit ang mga ito ng P150 na boundary kada araw.

Nabatid rin na ipapasada ang mga tricycle sa paligid ng Maysilo Circle kung saan magtatayo rin ang pamahalaang lokal ng “charging station” para sa mga ito.

Inilunsad ang naturang programa bilang bahagi ng kam­panya ng pamahalaan sa paghahanap ng mga alternatibong uri ng transportasyon na ligtas sa kapaligiran, at ma­katipid sa paggamit ng gasolina.

Sinabi rin ni Abalos na kanilang tuluyang ipinagbawal sa lungsod ng Mandaluyong ang anumang uri ng 2-stroke na motorsiklo na nagbubuga ng mapanganib na usok kung saan pawang mga 4-stroke na motorsiklo lamang ang kanilang pinapayagang bumiyahe.

ABALOS

ASIAN DEVE

BILANG

DEPARTMENT OF ENERGY

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS JR.

MAYSILO CIRCLE

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with